LTFRB magpapatupad ng balasahan upang maiwasan ang katiwalian

by Erika Endraca | July 31, 2019 (Wednesday) | 3531

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng reshuffle ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang tauhan sa central office nito upang maiwasan ang katiwalian.

Kasama sa mga ililipat ng pwesto ay mga cashier at security guard sa ahensya.

Ipinagutos rin ng LTFRB na isailalim sa life style check ang lahat ng Regional Director.

Ang hakbang na ito ng LTFRB ay ginawa matapos mahuli ng mga tauhan ng anti-red tape authority ang isang fixer sa labas ng kanilang tanggapan noong July 26.

Tags: ,