LTFRB, mamimigay ng special permit sa mga bus para sa inaasahang pagdagsa ng mga uuwi sa probinsya sa halalan

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 3889

MON_LTFRB
Tatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng aplikasyon para sa special permit ng mga bus na bibiyahe bago ang May 9 elections.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya upang bomoto

Magsisimulang tumanggap ng aplikasyon ang LTFRB mula April 18 hanggang April 30.

Ang special permit ay epektibo lamang dalawang araw, bago at pagkatapos ng halalan.

Tags: , , ,