LTFRB, planong kasuhan muli si PISTON President George San Mateo

by Radyo La Verdad | March 20, 2018 (Tuesday) | 7011

Paglabag sa Public Service Act ang planong isampa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) laban kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) National President George San Mateo.

Ito ay dahil sa pag-oorganisa nito ng malawakang tigil-pasada kahapon na naka-apekto sa ilang mga commuters sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa LTFRB, mayroong halos dalawang libong stranded na pasahero ang napagsilbihan ng kanilang libreng sakay.

Sa kabila nito, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na hindi maituturing na matagumpay ang transport strike.

 

Tags: , ,