Magkaibigan na naaksidente sa motorsiklo sa EDSA Balintawak, tinulungan ng UNTV NEWS and Rescue at MMDA Rescue

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 1784

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa dalawang nasugatan sa aksidente sa bahagi ng north bound ng EDSA Balintawak pasado alas nuebe kagabi.

Kinilala ang biktima na si Orlando Rosinas, 28 taong gulang na residente ng Road 10 sa Navotas City.

Nadatnan ng rescue team sa tabi ng daan ang dalawa na hindi makagalaw at iniinda ang kanilang mga tinamong pinsala.

Nilapatan ng firs aid ng UNTV Rescue ang driver ng motorsiklo na si Rosinas na nagkaroon ng mga sugat sa mukha at nagdurugo ang bibig nito.

Ang angkas naman nitong si Sharon Martin ay tinulungan ng MMDA Rescue. Kapwa inihatid sa MCU Hospital ang dalawag biktima.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, matulin ang takbo ng motorsiklo kayat naaksidente ang mga ito.

Kwento naman ng mga biktima, galing sila sa videoke bar at pauwi na sana sila nang hindi mapansin na sa pag u-turn ay diretso na pala sila sa poste ng kuryente.

Muli namang paalala ng mga otoridad sa mga motorista na huwag magdrive kung nakainom ng alak  para makaiwas sa disgrasya.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,