Magpinsan na naaksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Camarines Sur

by Radyo La Verdad | August 12, 2016 (Friday) | 395

ALLAN_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team Camarines Sur ang aksidente sa Diversion Road Brgy. La Purisima, Pili, Cam Sur.

Sugatan ang magpinsan na sina Danreb Nosol at Dharyl Rodriguez matapos pumailalim ang kanilang motorsiklo sa isang truck.

Ayon sa mga biktima hindi kumagat agad ang kanilang preno kung kaya’t dumiretso sila sa truck.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang magpinsan na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Matapos nito ay dinala na ng grupo ang dalawa sa Bicol Medical Center dahil sa iniindang pananakit ng dibdib ng nakaangkas na si Rodriguez.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,