Mahigit 1000 residente sa isang relocation site sa Rodriguez, Rizal natulungan sa Medical Mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 286

Isang medical, dental at legal mission ang isinagawa ng UNTV at Members Church of God International sa isa sa mga relocation site sa probinsya ng Rizal, ang barangay San Isidro.

Karaniwang pinagkakakitaan ng mga taga rito ay ang pagda-drive ng mga pampublikong sasakyan at pagtratrabaho sa mga construction site.

Kadalasang sapat lang sa pang-araw-araw na pangangailangan gaya ng pagkain ang kanilang kinikita.

Kaya ikinatuwa ng residente ang pagkapili sa kanilang lugar para mapagdausan ng ganitong aktibidad lalo’t marami sa mga bata at mga senior citizen sa lugar ay maysakit.

Umabot naman sa mahigit isang libo at dalawang daan ang natulungan ng grupo at nakapagpa check-up ng kanilang mga sakit at nabigyan ng libreng gamot.

Natulungan din ang ilan sa ating mga kababayan sa kanilang problemang legal.

 

(Jennica Cruz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,

Leave a Reply