Mahigit 50 gusali nawasak dahil sa gas leak explosion sa Rio de Janeiro, Brazil

by Radyo La Verdad | October 20, 2015 (Tuesday) | 1752

BRAZIL
Niyanig ng malakas na pagsabog ang Rio de Janeiro sa Brazil.

Nagdulot sa pagkawasak ng maraming mga gusali at ari-arian ang nasabing pagsabog na naganap sa Sao Cristovao na ikinasugat ng walong indibidwal

Aabot sa dalawampung bombero ang kaagad rumesponde sa pinangyarihan ng pagsabog

Sinasabi na nagmula ang pagsabog dahil sa gas leak mula sa isang business establishment at aabot sa mahigit anim na kilometro narinig pa ang pagsabog.

Umaabot naman sa mahigit 50 mga gusali at kabahayan ang nawasak dahil sa malakas na pagsabog.

Tags: