Mahigpit na travel restrictions sa travelers mula China, iminungkahi ng DOTr

by Radyo La Verdad | December 29, 2022 (Thursday) | 10853

METRO MANILA – Inirekomenda ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pagpapatupad ng mas mahigpit na travel restrictions laban sa mga turista mula sa China.

Ginawa ni Bautista ang pahayag sa gitna ng nararanasang surge ng COVID-19 infection sa China.

Iminungkahi ni Bautista na magkaroong muli ng testing sa mga Chinese inbound travelers.

Una rito ay nagpatupad na ng restrictions ang Japan, Malaysia, Taiwan at India sa mga pasahero na galing China.

Matatandaaang ang BF.7 Omicron Subvariant ang isa sa tinitingnang dahilan ng muling paglobo ng mga kaso ng nakahahawang virus sa China.

Tags: ,