Mahina o walang supply ng tubig sa  NCR, maaaring tumagal nang 6-10 oras

by Radyo La Verdad | June 29, 2023 (Thursday) | 5266

METRO MANILA – Posibleng magkaroon ng 6-10 oras na water service interruptions ang mga nasa matataas na lugar gaya sa bahagi ng Caloocan at Maynila kung hindi makararanas ng mga pag-ulan sa buwan ng Hulyo.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ginagawa na nila ang lahat ng paraan katulong ang mga konsesyonaryo para maipatayo ang mga karagdagang pasilidad para madagdagan ang supply ng tubig at upang mapadali ang pagkukumpuni ng mga tubong may tagas .

Nauna ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang mga pambansang ahensya ng pamahalaan na magbawas ng 10% sa konsumo ng tubig upang mapanatili ang sapat na suplay nito.

Tags: ,