Makabayan bloc, naghanda ng 20 tanong para kay Pnoy sa Mamasapano incident

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 615
File photo: UNTV News

File photo: UNTV News

Nagprisinta ng 20 katanungan para kay Pangulong Benigno Aquino III ang Makabayan bloc kaugnay sa inihirit nitong pagdalo ng Pangulo sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara sa Abril 7 at 8 kaugnay sa Mamasapano encounter

Sumentro naman ang tanong ng grupo sa isyu ng pagbibigay ng otorisasyon ng Pangulo kay noo’y suspendidong PNP Chief Alan Purisima upang makisali sa Oplan Exodus ng Special Action Force (SAF).

Gayundin ay nais matukoy ng mga mambabatas kung nagkaroon ng koordinasyon sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities bago ang operasyon, at mabusisi ang isyu ng reinforcement at pagkakasama umano ng tropa ng Amerika sa Oplan Exodus.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,