Makabayan Bloc nanawagan sa COMELEC na ilabas na ang Certificate of Proclamation ng mga nanalong party-list group

by Radyo La Verdad | June 4, 2019 (Tuesday) | 17155

METRO MANILA, Philippines – Nanawagan sa Commission on Elections (COMELEC) ang Makabayan  Bloc na ilabas na ang Certificate of Proclamation ng mga nanalong party-list group sa katatapos lang na halalan.

Kinuwestiyon ng mga Kongresista ang umano’y delay sa paglalabas nito lalo’t pirma na lamang ng mga ipinroklamang nominado ang hinihintay.

Nangangamba ang mga ito na baka may lumutang na isyu o problema dahil sa pagkakaantala sa paglalabas ng Certitiface of Proclamation.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , ,