Makati Mayor Junjun Binay, naghain ng apela sa CA laban sa preventive suspension na ipinataw sa kanya

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 1728
Photo credit: Joyce Balancio, UNTV News Correspondent

Photo credit: Joyce Balancio, UNTV News Correspondent

Nagpapatuloy sa kanyang trabaho bilang alkalde ng Makati si Junjun Binay sa kabila ng ipinataw na suspensyon ng Ombudsman.

Una nang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Ombudsman si Mayor Binay dahil sa isyu ng Makati City Hall Building 2.

Agad namang humirit ng temporary restraining order ang kampo ng alkalde sa Court of Appeals.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ni Binay ang desisyon ng CA hinggil sa kanyang hiling na mapatigil ang suspension order laban sa kanya.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , , , , ,