Malacañang, tiwala sa kakayahan ni Agriculture Sec. Dar na resolbahin ang suliranin sa ASF

by Radyo La Verdad | September 30, 2019 (Monday) | 1219

Naniniwala pa rin ang Malacañang sa kakayahan ni Agriculture Secretary William Dar para resolbahin ang suliranin sa African Swine Fever sa bansa. Ito ang pahayag ng palasyo sa kabila ng ulat na nakapasok na rin sa lalawigan ng Pangasinan ang ASF virus.

Ilang organisasyon ang kumukuwestyon sa umano’y lack of transparency ng DA hinggil sa estado ng mga kaso ng ASF sa bansa, mga apektadong lugar at dami ng mga pinatay na baboy na apektado ng naturang sakit.

“I’m sure the Secretary of Agriculture is competent enough to handle this situation. He hasn’t said anything about not handling it,” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

Tags: , ,