Manila Water, muling magpapatupad ng rotational water service interruption simula sa Huwebes, Oct. 24

by Radyo La Verdad | October 22, 2019 (Tuesday) | 8908

METRO MANILA, Philippines – Muling magpapatupad ng water service interruption ang Manila Water simula sa Huwebes.

Batay sa abiso ng Manila Water sa kanilang official Facebook Page, kinakailangang isagawa ang water service interruption upang mapagkasya ang limitadong suplay ng tubig mula sa Angat dam.

Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig ng dam dahil madalang ang mga pag-ulan sa bahagi ng Angat water shed.

As of 6:00 AM kanina, nasa 186.46 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam, mas mababa kumpara sa 186.77 meters kahapon.

Para sa kumpletong listahan ng mga lugar at oras na mawawalan ng suplay ng tubig, maaring bisitahin ang mga social media account ng Manila Water.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,