Maynilad, magbibigay ng mas malaking discount sa mga low-income customer sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | November 9, 2023 (Thursday) | 8098

METRO MANILA – Inanunsyo ng Maynilad water services na magbibigay sila ng mas mataas na discount sa bill ng mga qualified low-income at low-consuming residential customers.

Ayon sa Maynilad, ipatutupad nila ang Enhanced Lifeline Program (ELP) simula sa January 1, 2024.

Sa ilalim ng ELP, ang mga lifeline customers ay maaaring mag-apply para sa mas mataas na discount sa kanilang water bill.

Kasama diyan ang mga nasa marginalized sector, at ang mga benepisyaryo ng 4Ps gaya ng itinakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tags: ,