Mayor Jun Binay, pinasinungalingan ang akusasyong sinuhulan nito ang Court of Appeals

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1318
File photo

File photo

Pinabulaanan ni Makati City Mayor Junjun Binay na sinuhulan nito ang mga mahistrado sa Court of Appeals para maglabas ng TRO laban sa kanyang suspensyon.

Ayon kay Binay, walang katotohanan ang mga paratang ni Senador Antonio Trillanes at naniniwala itong may merito ang kanyang kaso at sinususugan ito ng appellate court.

Nauna nang nagpahayag ng kanyang komento si Vice President Jejomar Binay at nanindigan na walang maipapakita kahit isang ebidensya si Trillanes.

Aniya, tatak Trillanes ang tawag sa paglalabas sa media ng mga sabi-sabi na wala naman umanong maipakitang pruweba.

Sa susunod na linggo ay magpapatawag muli ng hearing ang Senate blue Ribbon sub-committee para ipagpatuloy ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa konstruksyon ng Makati City Hall Parking II building.

Tags: , , , ,