Meralco, magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 944

Meralco

Magpapatupad ng dagdag-singil ang Meralco ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa Meralco, P0.27 kada kilowatthour (kWh) ang itataas ng singil sa kuryente.

Katumbas ito ng P54 na dagdag-singil sa mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan; P81 sa 300 kWh, P108 sa 400 kWh, at P135 sa 500 kWh.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang dagdag-singil ay bunsod ng pagtaas ng generation charge dahil gumagamit ng mas mahal na panggatong ang mga powerplant.

Tags: , ,