Mga customer ng Maynilad sa Caa, Las Piñas makatatanggap ng water rebates

by Erika Endraca | July 1, 2019 (Monday) | 947

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng tig P2,500 na water rate rebates ang mga customer ng Maynilad sa bahagi ng Caa, Las Pinas City.

Alinsunod ito sa ipinataw na parusa ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) sa maynilad, matapos mawalan ng suplay ng tubig ang mga taga-caa sa loob ng mahigit 15 araw, na isang paglabag sa concession agreement.

Ang naturang rebate ay ibabawas sa babayarang bill sa tubig ng mga customer na maaring hati-hatiin sa mga susunod na buwan.

Subalit sa pahayag na inilabas ng pamunuan ng maynilad, sinabi ng mga ito na kakausapin muna nila ang mwss upang linawin ang naging batayan sa parusang ipinataw sa kanila.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,