Mga kumpanya ng langis magpapatupad ng big time oil price rollback Ngayong Linggo

by Erika Endraca | May 6, 2019 (Monday) | 900

Manila, Philippines – Ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang halos P1.00 bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong Linggo.

P0.90 kada litro ang inaasahang ibabawas sa presyo ng gasolina. Habang P0.80 kada litro naman sa diesel at kerosene.

Nauna ng nagpatupad ng bawas presyo ang Seaoil Kahapon.

Samantalang ang Shell at iba pang kumpanya ng langis ay magpapatupad ng rollback simula sa Martes.

Samantala, mas malaki naman ang ibabawas ng Petrogazz sa presyo ng langis. P1.00 kada litro sa gasolina at P0.80 naman sa diesel. Ang naturang rollback ang pinaka malaki na bawas sa presyo ng langis ngayong taong 2019.

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: ,