Mga kumpanya ng langis muling magpapatupad ng dagdag presyo Ngayong Linggo

by Erika Endraca | June 17, 2019 (Monday) | 2001
(C) Power Philippines

MANILA, Philippines – Magpapatupad muli ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo matapos ang ilang linggong rollback.

Ayon sa industry players, P0.10 hanggang P0.40 ang posibleng madagdag sa halaga ng kada litro ng diesel.

Habang P0.20 hanggang P0.30 centavos ang maaaring madagdag sa halaga ng kerosene.

P0.30 hanggang P0.40 centavos naman ang madadagdag sa halaga ng gasolina

Ang oil price hike ay dahil parin sa paggalaw ng presyo ng langis sa international market.

Tags: , ,