Mga miyembro ng ICAD, pupulungin ni VP Robredo Ngayong araw (Nov. 8)

by Erika Endraca | November 8, 2019 (Friday) | 592

METRO MANILA – Magsisimula ng magtrabaho Ngayong araw (Nov. 8)  si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Interagency Committee On Anti-Illegal Drugs (ICAD). Pupulungin nya ngayon ang ICAD upang malaman ang pasikot-sikot ng trabaho at mandato  ng nasabing ahensya.

Nais ring malinawan ng Pangalawang Pangulo kung hanggang saan ang kapangyarihan niya bilang isa sa pinuno ng ICAD. Sa ngayon target ng Pangalawang Pangulo na mahinto ang pagpatay sa mga inosente.

“Marami namang ginagawa na makabuluhan, lalo natin yung papaiigtingin natin. Pero yung nakikita natin na mga mali lalo na yung patayin, yun ang sisiguraduhin natin na hindi na mangyayari.” ani Vice President Leni Robredo.

Nais din ng Pangalawang Pangulo na maging transparent ang drug war maliban na lamang sa mga confidential information. Target nya ring agad na mapanagot ang mga gumagawa ng ilegal o umaabuso sa kanilang posisyon.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: