Mga nagpapakalat ng fake money, naaresto ng CIDG-NCR

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 654

Ihahain lamang sana ng Criminal Investigation Detection Unit ng National Capital Region ang search warrant sa suspek na nagtatago umano ng mga baril sa kanilang bahay sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Ngunit pag pasok ng mga pulis, tumambad sa kanila ang milyong pisong halaga ng mga pekeng pera at mga kagamitan sa paggawa nito.

Anim na suspek ang agad inaresto ng mga pulis kasama ang may-ari ng bahay na si Jaybee Balis. Ang mga nasabing pekeng pera ay ibinibenta umano sa mas murang halaga.

Pinag-iingat rin ng CIDG ang publiko dahil maaring magkalat ang mga pekeng pera ngayong nalalapit na ang brgy. at SK elections.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang mga suspek.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,