Mga nasawi dahil sa bagyong Egay at habagat, umabot na sa 16 – NDRRMC

by Radyo La Verdad | July 31, 2023 (Monday) | 9159

METRO MANILA – Umabot na sa 16 ang mga nasawi dahil sa bagyong Egay at southwest monsoon o habagat.

Batay ito sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of July 30.

1 sa mga nasawi ang kumpirmado, habang bineberipika pa ang 15.

52 naman ang mga napaulat na nasaktan at 20 ang nawawala.

Samantala, umabot na sa mahigit P1.5-B ang pinsala nito sa agrikultura.

Habang halos P10-M sa imprastraktura.

Nasa P64-M naman ang naibigay nang tulong sa mga naa-pektuhan ng bagyo.

Tags: ,