Pinsala ni Egay sa agrikultura at imprastraktura, lalo pang tumaas

by Radyo La Verdad | August 1, 2023 (Tuesday) | 7998

METRO MANILA – Lalo pang tumaas ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Egay.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa P1.9-B ang halaga ng pinsala ng bagyo sa mga pananim.

Umaabot naman sa 114, 565 ang mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Samantala, P3.5-B naman ang inisyal na pinsala ng bagyo sa imprastraktura.

Karamihan ng mga sinira ng bagyo ay mga daan, tulay, flood control, government facilities, mga paaralan, utility services facilities at iba pa.

Sa ngayon ay tuloy ang pagbibigay ayuda ng pamahalaan sa ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyo.

Tags: ,