Mga pangyayari sa halalan, mamomonitor sa Comelec Command Center

by Radyo La Verdad | October 27, 2023 (Friday) | 8238

METRO MANILA – Bukas na ang Comelec Command and Operation Center sa Palacio Del Gobernador sa Maynila.

Dito mamomonitor ang mga pangyayari kaugnay sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

May mga tauhan dito ng Department of Education (DepEd), Comelec, Philippine National Police (PNP).

Kasama rin ang citizens arms tulad ng Namfrel, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at iba pang stakeholders.

Papayagan din ang mga tauhan ng media na maka-access sa loob.

Tags: ,