Mga pasahero na biktima ng mga mapagsamantalang TNVS, hinikayat ng LTFRB na magreklamo

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 1591

Ilang commuter ang nagpahayag ng  kanilang pagkadismaya at reklamo sa social media kontra sa mataas na pasahe sa transport network company na Grab mula ng suspindehin ng LTFRB ang operasyon ng Uber.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakarating na sa kanila ang ilang sa mga ito. Kaya naman hinihikayat niya ang publiko na magreklamo laban sa mga mapagsamantalang TNVS.

Una nang ipinahayag ng Grab na hindi maiiwasan ang price surge dahil sa pagtaas ng demand sa mga commuter.  Sinabi pa ni Grab Country Head Brian Cu na magiging karaniwan na ang mas mataas na pamasahe ngayon.

Hinggil naman sa trending post kaugnay sa tanong kung dapat ding ikunsiderang colorum kung nagsasakay at tumatanggap ng ambag ng pasahero. Nilinaw ni Delgra na nahuhulog pa rin ito sa Public Service Law at dapat sumunod sa regulasyon ng public transportation.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,