Mga pulis na magsasagawa ng oplan tokhang, pagdadalahin ng baril – PNP Chief

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 5539

Muling umarangkada ang oplan tokhang operations ng Philippine National Police sa buong bansa.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Ronald dela Rosa isang beses lamang bibisitahin ng mga pulis ang mga drug personalities. Kung hindi pagbubuksan ang mga tokhangers ay ibibigay na ang pangalan nito sa Drug Enforcement Unit na siyang magsasagawa ng imbestigasyon at case build up.

Sakali naman aniyang napatunayan na nagbago na ang drug personalities, aalisin na ito sa listahan subalit patuloy na imomonitor ng mga otoridad.

Apela ni Bato sa mga drug personalities, huwag manlaban upang maging bloodless ang oplan tokhang. May dalang short at long firearms ang mga tokhangers para sa kanilang seguridad.

Paalala naman ni dela Rosa sa kanyang mga tauhan, maging maingat at huwag nang ulitin ang mga pagkakamali noon ng ilang pulis sa oplan tokhang.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,