Mga residenteng inilikas matapos ang pagpatay sa 3 lumad, takot pang magsiuwi

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 587

joan_lumad

Pansamantalang nakatigil ngayon sa Tandag City Sports Complex ang 2,887 residente sa Surigao del Sur na inilikas dahil sa sa tensyon sa lugar dulot ng pagpatay sa tatlong lider ng lumad.

Ayaw pang magsibalik ng mga residente sa kanilang tahanan dahil sa pangamba para sa kanilang kaligtasan.

Hinihiling din ng mga residente na papanagutin muna ang Magahat-Bagani Paramilitary Group na sinasabing responsable sa pagpatay sa tatlong lider ng lumad bago sila magsibalik sa kani-kanilang tahanan.

Naihain na ang kaso sa piskalya.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: