Mga sibilyang hawak ng Maute-ISIS, posibleng gawing suicide bomber ng mga terorista – DND

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 2827


Nasa 30 hostage pa ang ginagawang human shield ng teroristang Maute sa Marawi City.

Ayon kay Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi malayong gawing suicide bomber ng grupo ang hawak nilang mga sibilyan.

Aminado rin si Lorenzana na bagamat nasa 30 hanggang 40 na lamang ang nalalabing terorista sa Marawi City ay hirap pa ring silang ubusin ang mga ito. Pangako naman ng kalihim, agad nilang uumpisahan ang rehabilitasyon sa Marawi oras na matapos ang bakbakan.

Nasa lugar na aniya ang engineering brigade ng AFP at handa na rin ang rolling store ng Deptpartment of Trade and Industry para sa distribusyon ng supply ng pagkain ng mga residente.

Bukod sa mga tulay at kalsada, prioridad din ng pamahalaan na makumpuni ang pansamantalang tirahan ng mga apektadong residente sa lugar.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,