MMDA, inanunsyo ang suspensyon ng number coding scheme sa mga partikular na araw sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | October 25, 2023 (Wednesday) | 1768

METRO MANILA – Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes ang suspensyo ng number coding scheme sa susunod Linggo.

Ayon kay Chairman Artes, suspendido ang number coding scheme sa Lunes, October 30, araw ng halalan o Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), suspendido din ito sa November 1 at 2.

Inanunsyo din na Artes na papayagang dumaan ang mga bus sa Edsa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw para mapabilis ang kanilang turnaround time.

Magde-deploy naman ng 1,400 traffic law enforcers ang ahensya sa kahabaan ng Edsa, at sa iba pang major thoroughfares sa Metro Manila hanggang alas-12 ng hating gabi.

Tags: , ,