Money Laundering Probe, ipagpapatuloy pa rin ng Senado

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 1078

SENATE-HEARING
Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa money laundering.

Ayon sa tanggapan ni Senador Teofisto Guingona III, Chairman Ng Senate Blue Ribbon Committee, magsasagawa bukas ng senate probe ang senado.

Isasagawa ito sa isang hotel sa Roxas Boulevard at ipinapatawag ang mga nakalipas na resource persons.

Layon ng senado na makagawa ng kaukulang rekomendasyon at panukalang batas upang di na maulit ang nasabing money laundering.

(Bryan De Paz / UNV Correspondent)

Tags: ,