Morissette, ibinahagi ang excitement para sa nalalapit na “Made” concert sa Cebu at Dubai

by Radyo La Verdad | July 11, 2018 (Wednesday) | 673

Muling pinahanga ni Asia’s Phoenix Morissette ang mga wisher sa kaniyang pagbabalik sa pambansang WISH Bus.

Dito ay inawit niya ang kaniyang latest single na “Panaginip”. Mula rin sa WISH Bus isinagawa ang kaniyang digital press conference kung saan binalikan ni Morissette ang kaniyang first solo concert experience sa The Big Dome.

Ibinahagi rin ng young diva ang kaniyang excitement para sa kaniyang “Made” concert sa Cebu at Dubai.

Ayon kay Morissette, masaya siya sa takbo ng kaniyang career ngayon. Nagpasalamat naman ang Asia’s Phoenix sa naging bahagi ng WISH 107.5 dito.

Ang “Made” in Cebu ay isasagawa sa Sabado, ika-14 ng Hulyo sa Waterfront Hotel sa Lahug.

Samantala, available na rin ang tickets para sa Morissette is Made sa Dubai sa platinumlist.net

Ang concert ay isasagawa sa World Trade Center, Zabeel Hall 2 sa ika-17 ng Agosto.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,