Morissette, excited na sa kaniyang first major solo concert sa Dubai

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 4647

 

DUBAI, UAE – Dumating sa Dubai si Asia’s Phoenix Morissette, Miyerkules ng gabi para sa kanyang major solo concert kung saan mainit siyang sinalubong ng mga Pilipino.

Matagal hinintay ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa UAE para personal na matunghayan ang pambihirang galing ng young diva sa kanyang ‘Morissette is Made Concert.’

Ayon kay Morisette, bagaman marami nang naglabasang mga video ng kanyang concert sa Araneta Coliseum at Cebu kamakailan, mayroon pa rin syang bagong maihahandog sa ating mga kababayan sa Dubai.

Bukod kay Sam Concepcion, aabangan din sa concert ang performance ng WISHful 5 na magsisilbing opening act, ito ang unang out-of-the country performance ng mga ito.

Hinangaan si Morisette ng international audience sa kanyang angking talento. Ang kanyang mga WISHclusive performance sa pambansang WISH Bus ay patuloy na tinatangkilik at mayroon nang milyon-milyong views sa YouTube.

( Nina Bascon / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,