Mosyon ni Sen. Revilla na madalo ng graduation ng anak, reresolbahin ng Sandiganbayan ngayong araw

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 563

bong-revilla

Dedesisyunan na ng mga mahistrado ng Sandiganbayan 1st Division ang hiling ni Senador Ramon Revilla Jr. na makadalo sa graduation ng kanyang anak sa Sabado, Marso 28.

Sa isinagawang pagdinig kanina kinontra ng prosekusyon ang hiling ng kampo ng senador at sinabing kung mapapayagan ng korte, lilitaw na special treatment ito.

Magsusumite rin ngayong araw ang kampo ni Revilla ng mga dokumento na magpapatunay na graduating student ang anak ng senador na si Loudette Bautista sa Dela Salle Zobel sa Ayala Alabang at may tatanggapin itong mga award.

Tags: , ,