Motorcycle rider, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 546

MACKY_DROGA
Nahuli ang isang motor rider matapos itong makitaan ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa Brgy. Malanday, Valenzuela City pasado alas onse kagabi.

Kinilala ang suspek na si Cleff Richard dagandan na unang nasita ng traffic law enforcer sa lugar dahil wala itong suot na helmet at walang driver’s license.

Kaya naman nagdesisyon ang enforcer sa lugar na ipa-impound ang motor ng suspek.

Pagdating sa impounding area agad na nagsagawa ng checklist ang impounding crew at nakita ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa maliit na pitakang nakakabit sa susi ng motor ng suspek.

Aminado naman ang suspek na nakainom sya at walang dalang lisensya subalit itinanggi naman nitong sa kanya ang pakete ng shabu.

Anya marami daw kasing nanghihiram ng kanyang motor kaya maaaring nailagay lang ito ng isa sa nanghiram.

Bukod naman sa patongpatong na traffic violations ay nahaharap din ang suspek sa kasong possession of illegal drugs.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,