Motorcycle rider na naaksidente sa Balagtas, Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 6, 2017 (Monday) | 927


Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa motorsiklo sa Balagtas, Bulacan noong Sabado ng gabi.

Sugatan ang driver na kinilalang si Jerry Mark Jose, bente otso anyos matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa Mc Arthur Highway,
Barangay Burol 1st

Nagtamo ito ng malalim na hiwa sa noo, pagdurugo ng ilong at nawalan din ng malay.

Agad naman nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang biktima.

Matapos bigyan ng first aid, dinala na ng UNTV News and Rescue Team ang biktima sa Balagtas Doctors Hospital para sa kakailanganin pang karagdagang atensyon medikal.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,