Motorcycle rider na naaksidente sa Quirino Highway, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 345

Nakahiga sa gilid ng kalsada at hirap makakilo ang 36 anyos na si Steve Gonzales ng datnan ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy. Bagbag Quirino Highway sa Quezon City pasado alas dies kagabi.

Agad ini-assess ng grupo si Steve na nagtamo ng mga gasgas sa kamay pisngi at mga paa. Matapos lapatan ng first aid ay inihatid ng UNTV Rescue ang biktima sa Quezon City General Hospital.

Ayon kay Steve, papauwi na sana siya ng kaniyang bahay sa Novaliches sakay ng motorsiklo nang biglang may tumawid sa kalsada.

Pinilit niya itong iniwasan kaya nawalan ng control sa manibela at sumadsad sa kalsada.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply