Motorcycle rider na naaksidente sa Rizal, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 2, 2017 (Monday) | 1765

jenica_tmbb
Nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo si Jovanni Maquerang, trenta y sais anyos mula sa Sun Valley Parañaque City.

Naabutan pa ng UNTV News and Rescue Team na nakahandusay ito sa kalsa sa Brgy. Sto.Domingo, Cainta, Rizal matapos sumemplang kahapon ng madaling araw.

Ayon kay John Loyd Barcelona, nakakita sa pangyayari at siya ring tumawag sa grupo upang rumesponde sa aksidente, mabilis at pagewang-gewang ang takbo ng motorsiklo.

Nilapatan naman ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat at gasgas na tinamo ng biktima sa kamay at tuhod.

Matapos bigyan ng first aid ay dinala na ito sa pinakamalapit na ospital.

Nagpasalamat naman si John Loyd sa mabilis na pagresponde ng grupo sa kanyang tawag.

(Jenica Cruz / UNTV Correspondent)

Tags: ,