Naaksidenteng estudyante sa Apalit, Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 2, 2016 (Tuesday) | 1212

JOSHUA_TMBB
Umiiyak sa sakit ang estudyanteng ito matapos magulungan ang kanyang paa ng isang jeep sa kahabaan ng Mc Arthur Hiway, Barangay Tulaok, Apalit, Pampanga pasado alas siyete kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Shaira Mae Collado, 16 anyos na nakatira sa Calumpit, Bulacan.

Nagtamo ng gasgas sa kanyang kaliwang paa si Shaira na kaagad namang binigyang ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Ayon kay Shaira, patawid na ito sa pedestrian lane papapasok ng eskwelahan nang bigla siyang mahagip ng jeep.

Dinala na sa Jose B Lingad Hospital si Shaira.

Kasalukuyang namang nasa kustodiya ng PNP Apalit ang driver ng jeep.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,