Naaksidenteng motorcycle rider sa Bacolod, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 3310


Wala ng malay at nakahandusay sa kalsada ng datnan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na si Armando Flores sa Brgy.Alijis, Bacolod City kaninang alas dos bente ng madaling araw.

Sa initial assessment ng UNTV News and Rescue Team, si Flores na naaksidente sa motorsiklo ay wala ng pulso at namamaga ang kaliwang bahagi ng ulo.

Kaya naman mabilis na isinakay ng grupo sa rescue vehicle si flores.

Habang nasa byahe binigyan ng UNTV Rescue ang biktima ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR.

Bago dumating sa ospital ay bumalik ang pulso ni Flores.

Kasalukuyang nasa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang biktima.

(Lalaine Moreno)

Tags: , ,

Leave a Reply