Nagpakilalang alyas bikoy, binalaan ng DOJ na sasampahan ng kaso kapag hindi sumipot sa NBI

by Erika Endraca | May 9, 2019 (Thursday) | 3014

Manila, Philippines – Nagbabala si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra kay  Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang alyas bikoy, na magtungo na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos siyang lumantad at akusahan ang ilang malalapit sa pangulo na sangkot umano sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ayon kay DOJ Secretary Guevarra, kung hindi sisipot si Advincula ay mapipilitan silang ikonsidera na isama siya sa kakasuhan ng inciting to sedition o iba pang kaso matapos ang kaukulang imbestigasyon.

Sa ngayon ay patuloy na hinihintay ng NBI ang pagsusumite nito ng reklamo at ebidensya.

(Mai Bermudez | Untv News)

Tags: , ,