Nahuling lumabag sa COMELEC gun ban, umabot na ng halos 5000

by Radyo La Verdad | April 30, 2019 (Tuesday) | 3372

METRO MANILA, Philippines – Umakyat na sa mahigit apat na libo at walong daan ang naaresto ng Philippine National Police o PNP dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban.

339 dito ay naaresto sa checkpoint habang ang iba ay nahuli sa police operations.

Nangunguna sa listahan ay mga sibilyan at sinundan ng mga segurity guard at mga opisyal ng pamahalaan.

Umabot naman sa mahigit apat na libo ang nakumpiskang baril habang mahigit tatlumpu’t pitong libo naman ang deadly weapons.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,