Nasawi sa train collision sa Italy, umakyat na sa 27

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 1035
Courtesy: Reuters

Courtesy: Reuters

Umakyat na sa 27 ang nasawi sa banggan ng dalawang passenger train sa Italy noong Martes.

Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa mga pasaherong posibleng naipit sa debris.

Hindi pa tiyak ng mga otoridad kung ilan ang bilang ng mga pasaherong sakay ng dalawang tren nang mangyari ang banggaan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nasa single-track line ang dalawang tren nang magbanggaan malapit sa Andria city.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng aksidente.

(UNTV RADIO)

Tags: ,