Piston group, magsasagawa ng 3-day transport strike vs. PUVMP sa April 29-May 1

by Radyo La Verdad | April 29, 2024 (Monday) | 381

METRO MANILA – Inanunsyo ng transport group na Piston na magsasagawa sila ng 3 araw na nationwide transport strike na magsisimula ngayong araw ng Lunes April 29 hanggang Miyerkules May 1.

Layon umano ng nasabing aktibidad na ipahayag ang kanilang protesta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan pati na ang napipintong deadline ng jeepney franchise consolidation sa April 30 .

Ayon kay Piston Deputy Secretary General Ruben Baylon, kailangan nilang gawin ang nasabing hakbang para proteksyunan ang karapatan ng kanilang sektor sa inaasahang epekto ng nabanggit na programa.

Planong isagawa ang transport protest sa Taft Avenue at mga pangunahing kalsada sa Alabang, Anonas, Baclaran, Katipunan, , Litex, Monumento , Philcoa at Sucat.

Tags: