METRO MANILA – Inaresto ng National Bureau of Investigation – Special Task Force (NBI-STF) ang 7 indibidwal matapos mahuling ilegal na nagbebenta ng mga mga gamot na mula sa gobyerno, sa mga pasyenteng nasa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP).
Ito ay matapos maghain ng letter of request for investigation ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI). Ayon sa NKTI ang mga gamot na ito ay galing sa gobyerno na nakatalaga para sa mga mahihirap na pasyente sa ilalim ng MAIP program, at bilang institusyon na nagpapatupad ng programang ito nararapat lamang na kanilang protektahan at isiwalat ang anomang katiwalian hinggil sa mga government resources at property laban sa mga taong nais samantalahin at ipagkait ang sa mga mahihirap na pasyente ay nararapat.
Nahuli ang mga akusado sa isinagawang buy-bust operation at ang pagkakakuha ng ilang mga gamot para sa mga pasyenteng may kidney disease gaya ng Epoetin Alfa (Provinel) at Renvela. Dito rin nalaman ng mga otoridad na magkakasabwat ang mga ito dahil pinaghahati-hati nga mga ito ang kanilang mga stock para maibigay ang mga kinakailangan na order para sa ginagawang test-buy.
Kinilala ang mga akusado na sina Aliza Macalambos, Jen Tubongbanua, Clarita Selga, Maria Fe Nisnisan Quimno, Emilda Besmonte, Norhata Batua, at Virginia Dela Cruz na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9711 o ang FDA Act of 2009.
Samantala, magsasagawa naman ng follow-up investigation ang NBI-STF upang matukoy kung sino ang nasa likod ng ilegal na pagbebenta ng mga nasabing gamot.
(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)
Tags: ilegal, libreng gamot, NBI
METRO MANILA – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa cartel, smuggling o hoarding ng sibuyas sa bansa kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), may 7 indibidwal na silang natukoy na nasa likod nito at kung paano minamanipula ang presyo ng sibuyas sa merkado.
Ang pangalan ng mga ito ay kapareho ng lumitaw sa mga nakaraang pagdinig sa kamara.
Dagdag pa ng DOJ, patuloy ang pangangalap ng NBI ng mga ebidensya para sa isasampang reklamo.
Tags: NBI, Onion Smuggling
METRO MANILA – Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) sa NAIA Terminal 1 ang babaeng gumamit ng pasaporteng nakapangalan kay Elsa Cornello Saladili.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor ang naaresto na si Bainisin Pulna na patungo sanang Saudi Arabia noong Abril 16 via Gulf Air Flight.
Batay sa ginawang imbestigasyon ng mga opisyal ng Immigration, taliwas sa mga dokumento ni Pulna ang sinabi nitong edad at hanap-buhay ng kaniyang ama.
Pinabulaanan din ng mga opisyal ang salaysay ni Pulna na ito ang una niyang pangingibang-bayan matapos malamang umalis at nakabalik na sa bansa si Elsa Cornello Saladili.
Sumailalim sa inquest proceedings si Pulna sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Section 19 (d) (1) of R.A. 8239 o Philippine Passport Act of 1996.
(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)
Nadakip sa isinagawang Entrapment Operation ng Criminal Investigation and Detection Group Davao City Field Unit at Talomo Police Station ang isang suspek matapos magpakilalang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Crocodile Park, Diversion Road, Davao City pasado alas-5 ng hapon nitong Marso 23.
Kinilala ang suspek na si Matias Canque Relacion, na kung saan nagpakilalang kawani ng NBI ngunit iginiit ng nasabing ahensya na wala itong koneksyon sa kanila.
Naaktuhan si Relacion sa pagtanggap ng P1,000 cash na marked money galing sa isang buyer.
Nakuha dito ang isang Ingram Sub Machine gun, 38 caliber revolver, anim na NBI ID, isang itim na wallet na may NBI Badge, NBI Reflectorize vest, itim na sling bag, isang silver toyota vitz na may ignition key, isang P1,000 bill bilang marked money at mga bala.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Talomo Police Station ang nasabing suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Firearms and Ammunition Law at Revised Penal Code o Usurpation of Official Function.
(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)
Tags: NBI