NCRPO hotline, nakatanggap na ng mahigit 6,000 reklamo

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 4898

Nakatanggap na ng mahigit sa anim na libong sumbong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) mula ng inilunsad nila ang “I-send Mo sa Team NCRPO” dalawang araw ang nakalilipas.

Kabilang dito ang mga humihingi ng police assistance, reklamo sa mga pulis, sumbong sa mga pasugalan, ilegal drugs, paglabag sa mga city ordinance at iba pa. Gayunpaman ayon sa PNP, nasa 49% sa mga ito ay nangloloko lamang.

Muling nanawagan ng NCRPO sa ating mga kababayan na maaring magsumbong sa NCRPO sa kanilang hotline numbers.

Maari ding gamitin ang mga social media apps na viber, whatsapp, telegram, line at wechat.

 

Tags: , ,