No registration, no travel policy ng LTO, luluwagan ngayong buwan

by Radyo La Verdad | December 8, 2023 (Friday) | 3057

METRO MANILA – Luluwagan ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang no registration, no travel apprehension policy ngayong buwan ng Disyembre.

Sa isang pahayag sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza III na ang pagluluwag sa polisiya ay naaprubahan na ni Transport Secretary Jaime Bautista

Sinabi ni Mendoza na ngayong panahon ng pagdiriwang, ayaw ng LTO na magdulot ng stress sa ating mga kababayan

Dagdag pa ni Asec. Mendoza, nai-relay na ang pagluluwag sa polisiya sa lahat ng LTO regional director at heads of units, kasama na ang law enforcement service ng LTO ang opisina na nakatalaga sa operasyon laban sa mga delinquent motor vehicles.

Tags:

E-bikes at E-trikes, dapat na irehistro ayon sa LTO; mga magmamaneho, kailangang may lisensya na rin

by Radyo La Verdad | March 1, 2024 (Friday) | 233

METRO MANILA – Nagsagawa kahapon (Feb. 29) ng public consultation ang Land Transportation Office (LTO) sa mga stakeholder kaugnay ng planong regulasyon sa mga driver ng e-trike at e-bikes na dumadaan sa national roads.

Kasama sa mga dumalo ang representative ng iba’t ibang transportation group, e-vehicle groups, at commuter groups

Isa sa binigyang diin ng LTO sa public consultation ang mga road incident na kinasangkutan ng mga e-bike at e-trike kaya lalo pang dapat higpitan ang patakaran sa paggamit nito.

Panukala ng LTO, dapat nang irehistro ang lahat ng uri ng light e-vehicles katulad ng e-trike at e-bike.

Kinakailangan din na may driver’s license na ang magmamaneho nito upang matiyak na may sapat na kaalaman ang driver pagdating sa traffic rules.

Nakasaad naman anila sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation Code na dapat irehistro ang lahat ng motor vehicle.

Ayon sa LTO, pinag-aaralan nila na ipatupad ang patakaran sa lahat ng mga kalsada na maintained ng national at local government at hindi lamang sa mga national roads.

Wala pang timeline sa ngayon kung kailan maipatutupad ng LTO ang requirement na kumuha ng rehistro at drivers license sa mga e-trike at e-bike pero dapat anilang magawa na ito sa lalong madaling panahon

Wala pa ring eksaktong halaga kung magkano ang magiging registration fee ng light e-vehicles.

Tags: , ,

Mga tradisyunal na jeep makakabyahe pa pagkatapos ng deadline sa franchise consolidation – LTFRB

by Radyo La Verdad | November 22, 2023 (Wednesday) | 9199

METRO MANILA – Habang nalalapit ang deadline ng franchise consolidation sa December 31 ngayong taon, may agam-agam ang mga transport group na mape-phaseout na ang mga tradisyunal na jeep pagpasok ng unang araw ng 2024 dahil mawawalan na ng bisa ang prangkisa ng mga hindi sasali o bubuo ng kooperatiba o korporasyon.

Ang franchise consolidation ang unang hakbang ng PUV modernization program (PUVMP) na naglalayong pag-isahin ang mga operator na may indibiwal na prangkisa ng mga tradisyunal na jeep sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kooperatiba o korporasyon.

Nilinaw ng LTFRB ang umano’y maling pagkaintindi ng mga transport group dahil pagkatapos ng deadline sa December 31 ay makakabyahe pa rin naman ang mga tradisyunal na jeep at hindi ito agad papalitan ng mga modernong jeepney dahil maaari itong magdulot ng transport crisis.

Sa ngayon, pinagpapasa ng LTFRB ang mga operators ng tradisyunal na jeep ng kanilang petition for consolidation bago pa ang deadline sa December 31.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, mas pinadali na ito dahil nasa 2 page lang ang kanilang kailangang ipasa bilang pagpapakita na nais talaga nilang makiisa sa modernisasyon na isinusulong ng gobyerno.

Ang petition for consolidation ang magbibigay karapatan sa LTFRB at sa Land Transportation Office (LTO) upang suriin ang kanilang mga tradisyunal na unit kung roadworthy pa ito at maaari pang makabyahe sa susunod na taon kahit hindi pa palitan ng modernong jeep.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: , ,

Mas mataas na multa sa Edsa busway, ipatutupad na sa Nov. 13

by Radyo La Verdad | November 7, 2023 (Tuesday) | 12884

METRO MANILA – Simula November 13, ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas malaking multa na ang ipapataw laban sa mga motorista na lumalabag sa Edsa busway.

Batay sa resolusyon na pinagkasunduan ng Metro Manila Council, P5,000 ang ipapataw na multa sa unang paglabag o first offense.

Habang P10,000 , isang buwan na suspensyon ng driver’s license, at pagdalo ng road safety seminar naman ang ipapataw kapag second offense.

P20,000 naman sa ikatlong offense, na may kasamang 1 taong suspensyon ng driver’s license.

At P30,000 na penalty naman sa 4th offense, kung saan irerekomenda na rin sa Land Transportation Office (LTO) na revoke ang lisensya ng driver. 

Sa ngayon, P1,000 lamang ang multa lamang ang ipinapataw sa mga lumalabag sa Edsa carousel, na nahuhulog sa violation na  disregarding traffic sign.

Pabor naman dito ang ilang mga bus driver sa Edsa carousel, lalo pa’t nagdudulot ng malaking abala ang mga pasaway na private vehicles na pumapasok sa kanilang linya.

Tags: , ,

More News