Oath-taking ni President Elect Duterte at Vice-President Elect Robredo, gagawin ng magkahiwalay

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1314

robredo-duterte
Ipinahayag ng incoming Special Assistant to the President-Elect na si Bong Go na magkahiwalay na gagawin ang inauguration ni incoming President Rodrigo Duterte at Vice-President Elect Leni Robredo.

Patas lamang aniya na mabigyan ng pagkakataon si Robredo na magdesisyon kung gaano karami ang iimbitahan nito sa kanyang inagurasyon.

Bagay na hindi nito magagawa kung sa Palasyo din idaraos ang kanyang oath-taking dahil sa limitadong bilang ng mga bisitang maaring makapasok sa Malacañang Palace.

Una ng sinabi ni President Elect Duterte na nais nitong maging simple at hindi makakaabala sa publiko ang kanyang inaugural celebration.

Nirerespeto naman ng kampo ni Vice-President Elect Robredo ang desisyong ito ng bagong pangulo.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,