OFWs sa Middle East, napasaya sa kauna-unahang concert ng Wishfuls sa Dubai

by Radyo La Verdad | December 3, 2018 (Monday) | 3643

Hindi binigo ng “The Wishfuls” ang kanilang fans na pumila at nanood ng kanilang kauna-unahang out-of-the-country concert noong Biyernes sa Dubai.

Sa bawat performance ay talagang todo bigay ang fast-rising group. Pinarinig din ng the Wishfuls ang ilan sa kanilang mga awitin mula sa kanilang gold and platinum album na “Wishful Journey”.

Very entertained naman ang Wishful nation sa much-awaited concert. Malaki naman ang pasasalamat ng Wishfuls sa mga OFW sa Dubai sa pagtangkilik sa kanilang concert.

Samantala, dahil sa tagumpay ng kanilang concert ay masusundan pa ito ng ilang shows para sa mga OFW sa Middle East sa ilalim ng La Verdad Events Management at ng Wish 107.5.

 

( Vevs Balmaceda / UNTV Correspondent )

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,