Oil companies magpapatupad ng bawas presyo

by Erika Endraca | August 12, 2019 (Monday) | 1752

MANILA, Philipppines – Magpapatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis.

Ayon sa mga industry player magkaroon ng P1.10 per liter na bawas sa presyo ng diesel, P0.50 per liter sa gasolina habang P1.30 per liter naman sa Kerosene.

Nauna ng nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum, Clean Fuel at Seaoil simula pa noong Sabado (August 10) at Linggo  (August 11) habang ang big 3 na kinabibilangan ng Shell, Petron at Caltex ay magpapatupad ng rollback sa araw ng Martes(August 13).

Ang bawas presyo ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: ,